2011年7月20日 星期三

Sa Posibleng Pag-uwi Ng 350,000 OFW Sa Saudi Arabia, P-Noy Hinamon Sa Paglikha Ng Trabaho 沙國35萬失業移工返國 總統施政大挑戰


Hinamon ng Migrante International si Pang. Benigno Aquino III na lumikha ng mga trabaho sa Pilipinas at talikuran ang “bangkarote” na labor export policy, sa gitna ng mga balitang posibleng mapauwi ang may 350,000 na Overseas Filipino Worker (OFW) buhat sa Saudi Arabia.
“Walang trabahong naghihintay para sa kanila, dahil mayroon tayong halos 12 milyong walang trabaho. Ang solusyon ng gobyerno ay muli silang hanapan ng mga trabaho sa ibayong dagat, sa kabila ng pandaigdigang krisis pampinansiyal na nagdudulot ng tanggalan ng libu-libo sa ating mga OFW. Isa na ba itong vicious cycle, kailan ito matatapos?” hinaing ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante.
Kamakailan, inanunsiyo ng gobyerno ng Saudi Arabia na magpapatupad ito ng anim na taong limitasyon sa pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa. Para bigyan ng prayoridad ang lokal na mga manggagawa nito, hindi na umano bibigyan ng bagong mgawork permit ang mga migranteng nagtatrabaho nang mahigit sa anim na taon.
Tinatayang may 10 milyong migranteng manggagawa sa Saudi Arabia, na mayorya ay mula sa India, Bangladesh, Pakistan, at Pilipinas.
Bukod sa Saudi Arabia, nagpatupad na rin ng limitasyon sa pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa ang Japan at South Korea.
Dagdag ni Martinez, tiyak na namomroblema na ang Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Employment Agency, at Overseas Workers ang Welfare Administration sa pinakahuling deklarasyon ng Saudi Arabia, ngunit hindi dahil may malasakit ang gobyerno sa mga OFW, kundi dahil “malulugi ang kanilang negosyo.”
Umano’y itinutulak ng gobyerno ang labor export policy para gatasan ang mga Pilipinong nangingibang-bansa at maibsan, sa halip na lutasin, ang problema ng kahirapan at kawalang-trabaho sa bansa. 

0 意見:

張貼留言