Dalawang Pinoy na sinentensyahan ng bitay sa China ang ligtas na sa tiyak na kamatayan dahil sa kasong drug smuggling.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibinaba sa habambuhay na pagkabilanggo ang naging desisyon ng Hangzhou Intermediate People’s Court sa dalawang Pilipino, isang babae at isang lalaki na magkasunod na naaresto sa Hangzhou noong oktubre 25 at 27, taong 2008.
Hinatulan ng parusang kamatayan na may two-year reprieve ang dalawang hindi pinangalanang Pinoy na nagsilbing drug mules nang mapatunayang nagdala ng mahigit sa 1.2 kilong heroin sa kanilang bagahe papasok sa China.
0 意見:
張貼留言