文/夏曉鵑(世新大學社會發展所教授兼所長)本文轉載自 中國時報 2011.02.11 A27/時論廣場Sa panulat ni Sha-Shao-Guen
Isang professor sa Su-Shin University
Inilathala ng China Times Newspaper noong 2011.02.11 na may permiso sa sumulat.
翻譯/程榮鳳
Isinalin sa Tagalog ni Tessa
Muli na namang pinagbalingan ng gobyerno ng Taiwan ang mga migranteng manggagawa. Ginagawa silang isang kasangkapan upang pagbantaan ang kanilang bayang sinilangan. Sa kasalukuyan, ibinalita ng gobyerno ng Taiwan ang pagpapatigil ng pagtanggap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) para umano’y maprotektahan ang karapatan ng kanilang gobyerno. Kaugnay nito ay ang pagpapa-deport ng mga suspect na Taiwanese nationals sa mainland China. Ang ganitong klaseng paninikil ng gobyernong Taiwan sa mga migranteng manggagawa ay nangyari hindi lamang isang beses kabilang na noong 2002. Noong panahon na ang bise presidenteng si Liu-Shaw-Lien ay hindi pinayagang pumasok sa bansang Indonesia, nagalit ito at ang pinagbalingan ay ang mga migranteng Indonesia. Ipinatigil din ang pagtanggap ng mga trabahador mula sa Indonesia. Sa parehong taon, ang Chairwoman ng CLA na si Chen-Chiu ay bumisita sa Thailand ngunit hindi nabigyang ng pangmatagalang visa bagkus tourist visa lang. Ganoon din ang nangyari, ipinatigil ang pagpasok ng mga manggagawa mula sa Thailand. Subukan kaya nating magpalit ng sitwasyon. Kung ikaw ang migranteng manggagawa na walang kamalay-malay, bakit kailangang ikaw ang magsakripisyo sa alitan ng dalawang gobyerno?
Sa ganitong pangyayari, obserbahan natin na ang pangunahing tutol sa pagpapatigil ng pagpasok ng mga migranteng Pilipino ay ang mga Broker at ang mga Negosyante. Halimbawa nito ay ang mga negosyante sa Hsinchu Science Base. Malaki ang epekto sa kanila ang ginawagang panggigipit ng gobyernong Taiwan lalung-lalo na sa mga panahong ito na lubos silang nangangailangan ng mga manggagawa. Nangangamba din ang mga negosyanteng ito na ang ganitong sitwasyon ay magbunga ng kakulangan nila sa mangagagawa. Isa pang dahilan ay 90 percent ng mga migranteng Pilipino ay mahusay magsalita ng Ingles. Ayon din sa Brokers Agency Association, kung ang pagganti ng gobyerno ay gagawin sa ganitong paraan, nararapat lamang na isipin muna nila ang kalagayan ng mga ganitong business o ng mga Industrial area. Maliban na lamang na kung ang mga pangyayari ay magreresulta sa isang malawakang pagkasira sa ekonomiya o sa mga negosyante ng bansa. Binanggit din ng ahensya ang tungkol sa mga matatandang Taiwanese na karamihan sa nag-aaruga ay pawang mga Pilipino. Kinakailangan pa ng ahensya na kumuha ng mga ibang lahi at ipaliwanag sa mga employer na hindi na sila maaaring kumuha ng mga manggagawang Pilipino bagkus iba na lang lahi.
Base sa mga reaksyon ng mga negosyante at ng mga Taiwan broker, masasabing sadyang kinakailangan natin ang mga migranteng manggagawa at tunay na nakikinabang tayo sa kanila. Naisip nyo na ba kung ano ang mangyayari sakaling isang araw ay mawalan ng migranteng manggagawa? Narito ang mga posibleng mangyari:
Walang mag-aalaga sa mga pamilya na may sakit at may mga matatandang nangangailangan ng pagkalinga dahil walang mabuti at magandang sistema ng social welfare dito. Dagdag pa ang economic pressure at ang mga dalagang ina. Ang mga inang nagtatrabaho ay hindi na magagawang kumita ng pera dahil kinakailangan nila ang titingin sa kanilang mga anak habang sila ay naghahanap-buhay. Walang magandang sistema ang Taiwan na sumusupporta patungkol sa pamilya. Ang mga negosyante ay sasailalim sa kakulangan sa mga manggagawang mababa ang pasahod. Nais ng mga negosyante na magkaroon ng malaking kita kaya hindi sila tatanggap ng mga manggagawang Taiwan. Kung hindi rin lang sila magkakaroon ng malaking kita, posibleng lumipat sila ng ibang bansa kung saan mas malaki ang makukuha nilang pakinabang.
Ang bunga ng ganitong sitwasyon ay mawawalan tayo ng napakaraming negosyo Southeast Asian Restaurant, cellphone, ticket, at mga remittance. Ang lahat na ito ay maglalaho kasabay ng pagkawala ng mga migranteng manggagawa. Hahantong lang ito sa pagtaas ng populasyon ng mga Taiwanese na walang trabaho. Kung ang Taiwan society ay nakikinabang sa mga migranteng manggagawa, bakit nga ba nila nagagawang tratuhin sila ng iba at animo’y pawang mga criminal? Samakatuwid, kung TAYO ay nangangailangan sa KANILA, hindi ba nararapat lamang na pakitunguhan sila ng maayos? Kung susuriin mo ang kasaysayan ng Estados Unidos patungkol sa pang-aalipin, lubos mong mauunawaaan kung bakit nga ba. Ang mga kano ay mga relihiyosong tao at pagmamay-ari nila ang mga negro. Batid nila ang katuruan ng pag-ibig sa sanlibutan at lubos nila itong nauunawaan. Subalit paano nila nagagawang alipustahin, saktan, ibenta o di kaya ay patayin ang mga negro? Taliwas ba sa kanilang kaalaman ang itinuturo ng kanilang relihiyon? Ang kasagutan ay patuloy nilang idinidiin at itinuturo na ang mga negro ay alipin at walang karapatang pantao kundi ang mga kano lamang. Kung sa ganitong paraan ng pang-aalipusta at pang-aalipin tumatakbo ang kanilang pag-isip, para sa mga kano, isa ng mabigat na pasanin ang mga negro na dapat nilang turuang magpakatao kaya wala na silang pakialam sa kung anuman ang gawin nila sa mga ito. Dulot nito, hindi lamang mga negro ang biktima bagkus maging ang mga kano. Dahil sa ganitong mentalidad, patuloy ang paglaganap ng pang-aalipin.
Ang pagsasalarawang ito ay ihalintulad natin sa Taiwan. Sa parehong kalagayan na ang mga migranteng manggagawa ay mas mababa sa mga local na Taiwanese. Kung kaya’t ang pakikitungo natin sa mga migranteng manggagawa ay tulad ng isang mabangis na hayop, malupit, mabagsik at walang magandang asal.
Sa panahong ang buong bansa ay nagpupuyos ang galit sa Pilipinas, ating pagbulayan kung paano natin pinakikitunguhan ang mga migranteng manggagawa. Ang mga migranteng manggagawa ay tao rin, may pakiramdam at marunong masaktan. Huwag tayong tumulad sa mga kano na walang awa kung sila ay tratuhin.
再一次,台灣政府將外籍勞工當作「人質」,用以要脅移工母國就範。這一次是為了台灣嫌犯被遣送中國,政府宣布暫時凍結引進菲律賓勞工,以宣誓台灣主權。類似 的「外勞人質政治」已發生多起,包括二○○二年因呂秀蓮安排訪印行程受阻而宣布凍結印勞;同年,又因當時的勞委會主委陳菊訪泰國只獲觀光簽證而凍結泰勞。 異地而處,如果我們是移工,必會有「人為刀俎,我為魚肉」之嘆!
此事件值得注意的現象之一是,反對政府凍結菲勞的主要聲音之一是企業和外勞仲介業,例如,新竹科學園區業者擔心此項外交報復行動會造成在此訂單旺季時的工廠人力短缺,因為科學園區外勞九成是有英文優勢的菲律賓勞工。人力仲介協會表示,政府在考慮外交「反制」政策時,也應該考量到產業需求,以免造成企業的經濟損失。一家外勞仲介公司則不忘向台灣雇主喊話:「畢竟老人家不能沒人照顧,若非菲傭不可,會請客戶優先考量印傭」。
從雇主和仲介的反應,讓我們清楚看到的事實是;台灣從外籍勞工身上獲益!如果有一天台灣完全沒有外勞,會是什麼樣的情景?極可能的情況是;老病殘的家人無人 照顧,因為我們沒有完善的社會福利制度,再加上經濟壓力劇增,單薪家庭無以為濟,因而不再能依靠家庭主婦負擔無酬的家務和照顧勞動;企業欠缺更廉價的勞 工,但他們並不會因此而大舉雇用本國勞工,因為資本是無祖國的,他們的最大意志是擴大資本的積累,因此他們會將產業外移至更有利可圖的國家,使得本地勞工 跟著失業;原本因外勞的需求而新增之商機,例如東南亞飲食、手機門號、機票、海外匯款…等,將因失去移工而消失,因而增加失業人口。
既然台灣社會從外籍勞工身上受益良多,為何社會氛圍卻充滿歧視,將之視為社會問題,甚至是罪犯呢?既然「我們」需要「他們」,不是應待之以禮嗎?參照美國白人的蓄奴歷史,我們便可拆解上述矛盾現象。
白人奴隸主多是虔誠的基督徒,接受「愛世人」的教義。那麼,他們如何能夠以極不人道的方式買賣、鞭打,甚至殺害同為「世人」的黑人呢?難道不會受到宗教良心 的譴責嗎?意識形態之作用即在此;白人不斷宣揚和強化一種「黑人不是完全的人類,而白人才是真正文明的人類」的意識形態,使白人奴隸主在奴役黑人時不必面對良心譴責,因為這是「白人的負擔」,他們要教化不文明的黑人。這樣的意識形態,使虔誠基督徒白人能藉由奴役黑人而獲得暴利,並使得奴隸制度得以延續,而受害的不僅是被奴役的黑人,白人也因未意識到自己的殘暴而成為他們內心所不恥的不人道之人。
映照回台灣;將移工視為「低劣他者」的意識形態已然僵固在多數台灣的腦海裡,有此強烈種族與階級歧視的意識形態,使許多平日敦厚、仁慈的台灣人在面對外籍勞工時,像是突然見到滿月的狼人,變得殘忍不人道而不自知。
在舉國憤慨要給菲律賓政府顏色瞧瞧以彰顯主權之際,想想被我們視為俎上肉的移工也是「人」的事實,不要讓自己成為內心不恥的不人道之人。