2011年9月29日 星期四

Photo of ‘floating’ DPWH officials causes uproar in cyberspace 菲官員勘災照作假 網友砲轟


MANILA, Philippines – A photo release of the Department of Public Works and Highways last Wednesday posted on a social networking site meant to show their officials conducting field inspection after the onslaught of Typhoon ‘Pedring’ (international codename: Nesat) drew a barrage of criticisms in cyberspace for having been allegedly “Photoshopped”.
The photo, which had been pulled down from the Facebook account of the DPWH Central Office, showed DPWH Undersecretary Romeo Momo discussing Pedring’s damages with DPWH National Capital Region Director Reynaldo Tagudando and DPWH South Manila District Engineer Mikunug Macud along Roxas Boulevard.
The photo made them appear to be standing over what was left of the seawall which shielded Roxas Boulevard from Manila Bay’s waves.
But instead of being appreciated, the photo only gained disapproval from those who saw it, pointing out that the three officials seemed to be ‘floating’.
Comments on the post criticized the DPWH for ‘faking’ the documentation of their work in order to make them look good to the public. Those who wrote comments also expected the department to apologize for the edited photo, stating that there was no need to even edit a photo if it truly showed officials hunkering down to work.
Beth Pilorin, chief of the DPWH Public Information Division, posted an apology at the department’s Facebook account on Thursday, saying the photo “was not cleared yet before the staff posted it. It was already replaced.”
DPWH public relations officer Andro Santiago told Inquirer.net over a phone interview that the photo had been posted by mistake as they were also preparing the layout for a magazine they circulated in the DPWH.
He said the images of Momo, Tagudando and Macud had been cropped from a photo and laid on top of another photo to form the image which sparked criticism online. “It was a cropped photo (of the officials) showing them in another angle,” Santiago explained.
He maintained that it was not the DPWH’s intention to fool the public by posting an edited photo of the inspection, adding that the minute they realized the mistake, they immediately replaced it with the official photo release.
“After about two minutes, the photo was deleted. The official photo release was posted,” said Santiago, stressing that the official photo was genuine and “Photoshop was not used.”
“Walang Photoshop at hindi naretoke” was his description of the official photo release.

2011年9月28日 星期三

Filipino tourist sa HK, nahulihan ng 26 kls ng heroin 菲旅客偷渡毒品於香港被捕


ILOILO CITY - Isa na namang Filipino ang naaresto matapos mahulihan ng 26 kilograms ng heroin.
Sa report ni Bombo Radyo correspondent Merly Bunda, ang naaresto ay patungo sana sa Hong Kong nang mahuli ng mga otoridad sa Guangzhou, China.
Ang iligal na droga ay nagmula sa Malaysia kung saan dumaan ang Pinoy matapos makaalis ng Pilipinas.
Ayon kay Bunda, $6,000 ang ipinangakong bayad sa Pinoy kung saan nagtagumpay ito sa pagpuslit ng heroin sa Hong Kong.
Nakatakda namang humarap sa korte ang suspek sa darating na Nobyembre 17.
Ang Pinoy tourist ay panglima na sa mga Filipino na nahulihan ng iligal na droga sa Hong Kong ngayong taon.
Una nang naaresto ang isang mag-asawa at isang Filipina na nahulihan ng tatalong kilo ng iligal na droga noong Mayo, habang noong Hulyo isang Pinoy pa ang nahuli sa Hong Kong airport dahil sa pagpuslit ng 5.8 kilograms ng illegal drugs.

2011年9月22日 星期四

Manila mayor visits Taipei to boosts ties 促進交流 馬尼拉市長訪台北


Taipei, Sept. 22 (CNA) Manila Mayor Alfredo Lim led a delegation of city officials to Taipei Thursday on an exchange tour of Manila's sister city. 

Manila has been an official sister city of Taipei since 1966. 

On invitation from Taipei City Mayor Hau Lung-bin, Lim arrived in Taipei in the morning and attended an evening reception hosted by Hau. 

As part of the exchange program, Lim will visit city government buildings, where he will be briefed on urban planning and day-to-day operations in city hall. 

Lim is also scheduled to meet with officials from government agencies, including the Ministry of Foreign Affairs. 

Lim has been on friendly terms with Taipei. He led a delegation of city staffers to Taipei in 2007 and participated in the inauguration ceremony of President Ma Ying-jeou in 2008. 

He was also seen on various occasions celebrating the Republic of China centennial with Taiwanese expatriates in Manila. 

2011年9月20日 星期二

14 Pinoy seamen hawak ng pirata sa Africa 14名菲籍船員在西非被海盜綁架


INAMIN ng Department of Foreign Affairs na hawak ng mga pirata ngayon ang 14 Pinoy seamen makaraang hinijack ang kanilang barko sa Lome, Togo sa West Africa.
Ang naturang mga Pinoy ay kabilang sa 23 tripulante ng Cyprus-flagged Mattheos I na inatake ng pirata.
Ayon sa DFA, ipinaalam na sa kanila ng local manning agency ng mga biktimang Pinoy seamen na nasa maayos na kalagayan naman ang mga ito.
Naipaalam na rin umano sa pamilya ng mga biktima ang nangyari sa kanila.
Kaagad na inatasan ni Foreign Affairs Sec. Alberto del Rosario ang Philippine Embassy sa Abuja, Nigeria na makipag-ugnayan sa mga otoridad para sa ligtas na pagpapalaya sa mga Pinoy seafarers.
Maging ang embahada ng Pilipinas sa Oslo, Norway kung saan naroon ang kompaniyang namamahala sa barko ay inatasan na makipag-ugnayan sa principal company ng barko para matiyak na nagsasagawa ng negosasyon sa pagpapalaya sa mga tripulante ng Mattheos I.
Ayon sa International Maritime Bureau na nagmomonitor sa piracy sa buong mundo, pinasok ng mga pirata ang tanker na Mattheos I.
Tumakas ang mga pirata patungo sa hindi malamang lokasyon dala ang mga tripulante ng Cyprus-flagged vessel.
Ayon sa Department of Merchant Shipping ng Cyprus, ang mga crew ng Mattheos I ay mga Pinoy at ang mga opisyal ay Spanish, Peruvian at Ukrainian.
Inihayag ni department director Serghios Serghiou na nagpadala ng security alert ang barko pero hindi na nila ito nakontak.
Samantala, ayon sa Spanish Foreign Ministry, wala pa sa lima ang mga Spaniards na tripulante ng Mattheos I. Remate ANG DIARYO NG MASA

VP Binay, Pacquiao, pinayuhang trabaho muna ang asikasuhin 副總統、拳王,競選之餘,工作請優先!


MANILA – Matapos ihayag ang kanilang mga plano sa darating na mga halalan, pinayuhan ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko sina Vice President Jejomar Binay at Sarangani Rep Manny Pacquiao, na tutukan muna ang kani-kanilang tungkulin.
Sa panayam ng isang himpilan ng radyo nitong Biyernes, sinabi ni Malolos Bishop Jose Oliveros, na sa halip na mga plano sa susunod na eleksiyon ang isipin, mas marapat na pagtulong sa kanilang mga nasasakupan ang dapat asikasuhin ng mga opisyal.
Giit ng obispo, maraming problema ang bansa na kinakaharap ngayon na dapat tutukan sa halip na maagang pumumulitika.
“Nakalulungkot dahil malayo pa ang eleksyon ay nagpaparamdam na sila kaysa tutukan ang kanilang trabaho at problema sa bansa. Let us face the present problem rather than prepare that political happening which will take place many years from now pa," ani Oliveros sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinabi pa ni Oliveros na kapakanan ng iba ang dapat asikasuhin ng mga opisyal at hindi ibang bagay lalo na kung personal nilang interes ang makikinabang.
Una rito, inihayag ni Binay ang kanyang intensiyon na tumakbong pangulo sa 2016 elections.
Samantala, dahil kulang pa sa age requirement, binawi ni Pacquiao ang kanyang plano na tumakbong bise presidente sa 2016 polls.
Gayunman, tuloy naman siya sa kanyang plano na tumakbong gobernador sa Sarangani sa halalan sa 2013.
Ayon kay Oliveros, dapat pagtuunan muna ng pansin ni Binay ang problema ng mga overseas Filipino workers at kakulangan sa pabahay ng mga mahihirap.
Si Binay ang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III na adviser sa usapin ng OFW, at maging sa programang pabahay.
Samantala, paglikha naman ng mga batas na makatutulong sa mga mahihirap ang dapat umanong asikasuhin ni Pacquiano bilang kongresista.
“Ito ang dapat na pagtuunan nila ngayong panahon. Saka na ang pamumulitika, masyadong maaga pa ‘yan," anang obispo. -- GMA News

PNoy, nagtungong US upang ipagmalaki ang bansa 總統訪美 讚譽菲律賓


Sa pag-alis ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III patungong Estados Unidos gabi ng Linggo, kanyang ipinangakong ipagyabang ang pagsisikap ng bansa sa transparency at global competitiveness.
Ayon sa ulat ng radio dzBB, Linggo ng 10 p.m. naka-alis ang pangulo sakay ang Philippine Airlines PR-104 flight. Inaasahan siyang makararating sa San Francisco gabi ng Lunes.
Dadalo ang pangulo sa paglulunsad ng Open Government Partnership (OGP) upang hikayatin ang ilang mga negosyante na mag-invest sa Pilipinas.
Malakas ang kanyang loob na sa pagiging miyembro ng OGP, mas mabibigyang pansin ang bansa.
Ayon kay Aquino, "Sa pagbisita nating ito, maipapahayag natin sa buong mundo ang tinatamasang sigla at kumpiyansa ng Pilipinas tungo sa pagginhawa ng mga Pilipino."
"Ibabahagi natin sa kanila ang pinakamahalagang leksyon na natutuhan natin nitong mga nakaraang panahon: na ang tapat at mabuting pamamahala ay nagbubunga ng maayos na ekonomiya," aniya.
"Taas-noo nating ihahayag ang katuparan ng ating paninindigan: sa pagsugpo ng katiwalian, maiibsan ang kahirapan," dagdag pa niya.
Kanya ring ipinahayag ang kanyang pagnanais na makapag-uwi ng mabuting balita para sa bansa.
"Yaman din lamang na bibisita tayo sa Amerika, hindi na po natin palalampasin ang oportunidad na makipagdiyalogo sa mga negosyante doon, upang mamuhunan pa sila lalo sa Pilipinas," ani Aquino.
Ani Aquino, "Muli’t muli po nating ihahayag sa kanila na bukas at maaliwalas na ang ating bansa sa larangan ng pagnenegosyo; sa malinis na pamamalakad ng kasalukuyang gobyerno, patas ang magiging laban para sa mga itatayo nilang negosyo, at hindi masasayang ang kanilang pagtitiwala sa atin pong bansa."
"Mahalaga po ang pamumuhunan nila dito: sa bawat negosyong ipapatayo nila sa bansa, maraming trabaho ang malilikha na magbibigay ng kabuhayan sa mga Pilipino," dagdag niya.
Dagdag pa nito, plano rin ni Aquino na bisitahin ang komunidad ng mga Pilipino sa Washington D.C. upang pasalamatan sila sa kanilang suporta.
Aniya, “Hindi magbabago ang ating paninindigan at nakahanda tayong ipagsigawan sa mundo: marangal, tapat, at may disiplina ang mga Pilipino, handa itong makipagsabayan sa anumang larangan at makipagbayanihan sa ibang bayan."
"Sa ating walang patid na pagtatrabaho para sa kapakanan ng mas nangangailangan, walang makapipigil sa pagginhawa ng ating bansa at ng nakakaraming Pilipino," dagdag niya. — AF/RSJ, GMA News

2011年9月16日 星期五

PNoy, napangiti daw sa balitang engagement nina Shalani at Rep. Romulo 前女友結婚 總統一笑置之


MANILA – Ngumiti lang umano si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III nang ipaalam dito ang balitang engaged na ang kanyang ex-girlfriend na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad kay Pasig Rep. Roman Romulo.
“Nakangiti naman siya," kwento ni presidential spokesperson Edwin Lacierda nang tanungin ng Malacanang reporters kung alam na ba ni Aquino ang napabalitang engagement nina Shalani at Romulo.
“Walang reaction, ang sabi lang ‘I was not aware’," dagdag ni Lacierda. “Basta ang sinabi niya, I was not aware that they were engaged."
Sinabi ni Lacierda na natutuwa naman daw ang pangulo sa pinakabagong pangyayari sa buhay ng dati nitong nobya na isa na ring TV host ngayon.
“Of course he is happy. Why won’t he be happy?," pahayag ng tagapagsalita ni Aquino.
Umabot rin ng halos dalawang taon ang relasyon nina Aquino, 51-anyos at Shalani, 31-anyos, na nagtapos noong Oktubre 2010, ilang buwan matapos manalong pangulo ang una.
Nitong Miyerkules, kinumpirma ni Romulo, 44-anyos, anak ni dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, na engaged na sila ni Shalani at posibleng ikasal sa unang bahagi ng 2012.
Mula nang matapos ang relasyon kay Shalani, naugnay sa iba’t ibang babae ang binatang pangulo. Kabilang sa mga naugnay sa kanya ay ang stylist na si Liz Uy, stock broker na si Len Lopez, at teacher na si Bunny Calica. Sa kanyang pagbisita sa China kamakailan, inihalintulad ni Aquino sa soft drink ang kanyang love life na mula sa “regular," naging “light," at tuluyang naging “zero." -- GMA News